POGO ban sinuwag ng PAGCOR

Nais ng Philippine Amusement Gaming Corporation(Pagcor) na payagan na mabuksan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa pamamagitan ng ` work from home’ arrangement.

Ayon kay Pagcor chairperson Andrea Domingo, ito ay para kahit papaano ay maibalik kahit man lang kalahati nang nawalang kita mula sa POGO matapos na ipatupad ang enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Sinabi ni Domingo, na dapat ikonsidera ng gobyerno ang work from home na operasyon ng POGO.

“‘Yung [work-from-home] sana sa POGOs, kasi mga BPOs din ito eh, katulad rin ng mga BPOs na in-allow nila,” ayon kay Domingo

“‘Pag itong larong ito umandar, at least mga 50-60% noong aming income ay maibabalik at maibibigay na naman ulit na pangtulong para sa mga nangangailangan,” paliwanag pa ni Domingo.

Nabatid na simula noong Marso 17, ng alas 12 ng hatinggabi ay iponatupad na sa buong Luzon,ang enhanced community quarantine at ang mga Business process outsourcing (BPO) firms ay bunigyan hanggang Marao 20 na mag shift aa WFH arrangements.

Ang operasyon ng POGO ay pansamantalang sinuspinde sa panahon ng quarantine.

“Maswerte and PCSO, pwede sila, pinayagan silang magtuloy-tuloy yung STL nila sa Visayas at Mindanao. Sa amin, inorder lahat na magsara,” ayon pa kay Domingo.

Magunita na inutos ng Palasyo ang pagsasara ng lahat ng POGO kasabay nang binabang enhance community quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng COVID-19.(Juliet de Loza-Cudia)