Pogoy naghahasa ng ‘armas’

Tuloy pa rin sa pag­lalaro si PBA star Roger­ Pogoy kahit na suspended ang liga at mga ensayo ng bawat koponan dahil sa coronavirus disease o COVID-19.

Kahit outdoor basketball, ipinakita ng TNT KaTropa sniper na hindi lilipas ang kanyang shooting kahit naka-break ang mga ito sa PBA.

Sa kanyang Instagram story, ipinakita ng beteranong guard ang kanyang mga three-point shot na peg si Sacramento Kings star Bogdan Bogdanovic.

Nitong nakaraang linggo, karamihan sa sporting events sa bansa ay nasuspinde dahil sa tumitinding banta ng coronavirus. (JAT)