Pogoy tambay muna sa Qatar

Kasama si RR Pogoy sa Nationals na dumayo ng Doha, pero hindi pa siya makakalaro kontra Qatar sa unang laro sa final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Suspendido pa si Pogoy dahil sa pagkakasangkot sa riot ng Pilipinas at Australia sa third window noong July sa Bulacan.

Five games ang binigay ng FIBA na suspension kay Pogoy, katulad ng sanction kina Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon.

Nabuno na ni Pogoy ang apat, may isa pa siya kaya hindi pa masasama sa final 12 ni coach Yeng Guiao kontra Qataris sa Feb. 21.

Sa Feb. 24 kontra Kazakhstan ay puwede nang makalaro si Pogoy.

Sa dating Gilas Pilipinas squad na nasangkot sa gulo kontra Australians, pinakamahaba ang suspension ni Calvin Abueva (6 games) dahil may una na siyang unsportsmanlike behavior sa FIBA.

Nakabalik na sa National team mula suspension sa pagkakasangkot sa riot sina Andray Blatche, Jayson Castro at Troy Rosario (3 games each), at si Japeth Aguilar (1 game).