Sa pangatlong salang, nakontak din ng TNT KaTropa ang unang ‘W’ sa PBA Philippine Cup sa bisa ng 85-80 panalo kontra NLEX Miyerkoles ng gabi.

Sa dugout ng Smart Araneta Coliseum na pinanood ni coach Yeng Guiao na mabalaho sa 0-3 ang Road Warriors matapos ma-eject 4:22 sa third.

Natawagan ng pangalawa niyang technical si Guiao dahil sa maaanghang na salita sa referee. Ipinasok ni Jayson Castro ang technical free throw para iabante ang Texters 60-59.

Wala pang 2 minutes sa fourth, si NLEX assistant coach Jojo Lastimosa naman ang na-technical dahil sa pagpasok sa court. Ipinasok ni Castro ang free throw 72-61.

Pagkatapos ng 3 ni RR Pogoy sa tuktok para ilayo sa lima ang TNT, mula sa timeout ay bumitaw si Poy Erram ng tres para idikit ang Road Warriors 82-80, 35 seconds na lang.

Split si Castro sa stripe sa final 14.4, kapos ang 3 ni Pedrito Galanza bago sinelyuhan ng dalawang free throws ni Pogoy ang panalo.

Sa unang laro, nilista ni Matthew Wright ang 15 sa kanyang 22 points sa second half at iniwan ng Phoenix Pulse ang Columbian Dyip 108-98.

Sa unang pagkakataon sa prangkisa, inumpisahan ng Fuel Masters ang conference at season sa 3-0 para upuan ang solo-liderato.

“Hopefully madagdagan para at least, lahat ng puwede namin makuhang panalo, makapondo na kami,” pahayag ni Phoenix coach Louie Alas.

Ipinagdiinan ni Calvin Abueva ang sarili sa magkabilang dulo ng court, naligtasan ang five fouls at tumapos ng 16 points at 9 rebounds sa Fuel Masters. May double-double na 14 points at 11 rebounds si Jason Perkins, nagdagdag ng 12 points, 7 assists si LA Revilla.

Sa pambubulabog si JC Intal, nagkasya lang sa 10 points si Columbian top rookie CJ Perez pagkatapos ng 26-point performance niya sa unang pro game kontra San Miguel.

Hindi nasundan ng Dyip ang 124-118 win sa SMB at natengga sa 1-1.

Ang mga iskor:
Unang laro
Phoenix Pulse 108 — Wright 22, Abueva 16, Perkins 14, Intal 13, Revilla 12, Kramer 8, Marcelo 7, Jazul 6, Chua 4, Mendoza 2, Napoles 2, Dennison 2, Mallari 0.

Columbian Dyip 98 — Calvo 18, Camson 13, Corpuz 13, McCarthy 10, Perez 10, Reyes 9, Celda 9, Escoto 8, Khobuntin 6, Agovida 2, Cahilig 0, Cabrera 0, Tabi 0.
Quarters: 24-14, 53-47, 82-72, 108-98.
Pangalawang laro