Hindi na pinapayagan ang mamamayan ng Iran na makapag-download ng sikat na Pokemon Go application dahil sa seguridad sa bansa.
Nabatid na naging desisyon ito ng High Council of Virtual Spaces, isang ahensya sa Iran na tumitingin sa mga online activity.
Bukod dito ay pinag-aralan din ng Iran ang reklamo mula sa ibang bansa tulad ng Malaysia na nanganganib ang kanilang seguridad dahil sa naturang computer games sa mga smartphones.
Sa naturang games, hinahanap ng naglalaro ang mga ‘Pokemon’ creature sa iba’t ibang lugar.