Pokwang guguluhin, wawasakin ng kapitbahay

Pokwang

NA-STRESS nang bonggang-bongga si Pokwang nu’ng makaengkuwentro siya ng isang kapitbahay na nagwala at nagbanta pa sa kanila, kasama ang kanyang mga kasambahay.

Inireklamo ni Pokwang ang ginawang pagwawala at banta na paninira umano ng mga sasakyan ng mga bisita nila kapag nag-organize sila ng party sa subdivision nilang ‘yon.

Sa larawan na pinoste ni Pokwang ng Hollywood star na si Jim Carrey na may hawak na mikropono, ini-relate ni Pokwang sa kanyang Instagram post ang naranasang paggambala ng isang kapitbahay niya habang nagka-karaoke sa kanilang lugar.

Ayon kay Pokwang, hindi raw siya makatulog, maging ang kanyang maysakit na ina dahil sa lakas ng karaoke sa kapitbahay. Pasado alas-12:00 na ng hatinggabi ay malakas pa rin ang volume ng karaoke sa kabilang bahay.

Pinakiusapan na raw ng kasambahay niya ang kapitbahay na hinaan ang volume, pero sa halip na pagbigyan sila sa request, nagalit pa raw si ‘tatang’ at nagwala.

Hindi nagustuhan ang pakiusap nilang hinaan ang karaoke kaya nag-init ang ulo nito at nagtatalak daw ito.

Nagbanta pa na huwag na huwag daw magpa-party sa kanyang bahay si Pokwang dahil sisirain nito ang mga sasakyan ng kanyang mga bisita.

Walong buwang buntis si Pokwang na sa estado nito ay nahihirapan na siyang makahagilap ng regular sleep. Kaya ang malakas na music sa karaoke ay nakakadagdag pa ng hirap sa kanya.

May karamdaman din ang kanyang ina na kailangan ng pahinga. Ipinunto ni Pokwang ang batas na nagbabawal sa malakas na karaoke lalo na sa dis-oras ng gabi.

Binanggit din nito ang sinabi ng matanda na sila rin ay nakaistorbo nu’ng mag-shooting daw ang team ng komedyana sa kanilang lugar.

Kontra depensa ni Pokwang, hand-held camera at isang unit lang ang ginamit para sa performance niya sa nagwakas na show sa ABS-CBN 2, ang I Can Do That. At nagbayad din daw sila ng P9K para sa video shoot na ‘yun.

Nakunan ng kasambahay ni Pokwang, ang pagwawala, pagmumura at pagbabanta ng kapitbahay nila sa kanila.

Nagbanta si Pokwang na papangalanan niya ang subdivision kung hindi nito maayos ang problema at hindi nito pag-mo­nitor ng karaoke usage ng kapitbahay niya sa tamang oras. ()