NA-‘MEET THE PARENTS’ na ni Pokwang last March ang mga magulang ng American boyfie niyang si Lee O’Brian.

Kinakantiyawan si Pokie ng co-stars niya kahapon sa presscon ng Banana Sundae dahil pa-girl siya at feeling dalaga.

Tsika ni Pokie, akala niya ay ikakamatay niya ‘yung kaka-English sa pamilya ni Lee.

Kunwari raw ay lagi siyang may jetlag para huwag siyang mapasabak sa Inglisan at sinasabi niya kay Lee, “You talk to your mom!”

Sa January next year ay darating dito sa ‘Pinas ang pamilya ni Lee at hindi niya pa alam kug anong mangyayari.

“Masaya kami. Enjoy-enjoy lang kami ngayon kung ano ‘yung meron kami ngayon.

Sobrang masaya lang. ‘Yun ang importante, walang stress.

“Nakakadagdag siya sa akin ng inspirasyon. Alam mo ‘yon? Dati, ang sungit-su­ngit ko sa trabaho, pero ngayon syempre, may ganern (lovelife). Ganu’n lang.

“Tingnan po natin sa January pagdating ng pamilya niya rito.”

Pamamanhikan ba ito?

“Ayyyy!!! Ha! Ha! Ha! Maganda ‘yung mamanhikan, ‘di ba? Pero huwag mag-assume.

Masama ‘yon.

“Di ba? Enjoy lang kung anong mangyari,” dayalog ng 46-anyos na komedyana.

Sobrang supportive sa career niya si Lee at nagagalit ito ‘pag umaalis siya ng bahay na hindi siya kumakain.

Sey ni Pokie, kahit mag-asawa na siya at magkaanak ulit ay hindi niya iiwan ang weekly comedy show na Banana Sundae.

Kahit ano pang projects ang dumating sa kanya ay hindi niya bibitawan ang Banana family niya.

Enjoy siya sa drama at naipa­kita niyang kaya rin niyang magpaiyak, pero kailangan niya ang isang show na katulad nito.

Kailangan niya ang Banana Sundae bilang dito siya nagsimula sa pagiging komedyante.

“Dito ako humihinga nang bonggang-bongga ng tawa, saya, baliw-baliwan lang.

“Kasi, alam n’yo naman ‘pag teleserye, seryoso-seryoso. Kailangan iiyak ka, ganyan-ganyan.

“Pero sa set ng Banana, eto ‘yung, ‘Lika na, baliwan na!’ Bukod sa may suweldo kami, masaya kami.”

Ilan sa mga tumatak na karakter na ginaya ni Pokwang sa nasabing programa ay sina Mommy Dionisia Pacquiao, Annabelle Rama, Marlene Aguilar, nanay ni Hayden Kho Jr., at Senadora Miriam Defensor-Santiago.

Sa November 20 & 27 ipapalabas ang two-part, 8th anniversary celebration ng Banana Sundae na may kanya-kanyang pasabog numbers ang bawat grupo at may kasamang surprise guest stars.