PokwangMAGPAPAALAM na ang isang iCandidate sa unang elimination round ng I Can Do That nga­yong weekend.

Dalawang iCandidates na may pinaka­mababang naipong puntos sa mga nagdaang linggo ang pagpipilian ng studio audience na isalba.

Ang hindi nila iboboto ay tuluyang nang magpapaalam.

Kaya ngayong linggo, itinodo ng walong iCandidates ang training para maisalba ang sarili sa elimination.

Nabukulan si Pokwang sa pag-eensayo nila ni Arci Muñoz sa flag twir­ling act.

Humingi pa ng tulong si Cristine Reyes sa kanyang asawa para sa trapeze act nila ni Daniel Matsunaga.

Magpapakilig sina Sue Ramirez at JC Santos sa kanilang hula hoop act.

Tumungo sina Gab Valenciano at Wacky Kiray sa construction site na pinagtatrabahuhan ng kanilang cube and staff spinning act mentor para kumuha ng inspirasyon.

Sino ang dalawang iCandidates na magi­ging bahagi ng bottom 2 at sino ang unang malalagas sa kumpetisyon?

Alamin sa I Can Do That ngayong Sabado at Linggo, 9:45 PM sa ABS-CBN.

***

Nag-trending sa Twitter ang bagong ganap sa career ni Mikoy Morales, ang second single niyang Sana Naman.

Dinagsa ng fans ang Twitter at pina-trend ang #SanaNaman kaya tuwang-tuwa ang Kapuso star.

Hindi nagpahuli ang girlfriend niyang si Thea Tolentino rito at nag-tweet pa na “@MikoyMorales #SanaNaman ilibre mo ako sa Yabu”

Sumagot si Mikoy sa tweet, “Eh #SanaNaman di ka busy.”

Totoo naman dahil walang humpay rin ang pananabotahe ng karakter ni Thea na si Trish sa Destined To Be Yours.

Busy si Trish sa pagpapahirap kay Sinag (Maine Mendoza) at ayaw niyang hayaan na mapunta rito si Benjie (Alden Richards). Marami ang bilib sa performance ni Thea dahil effective siya bilang atrebida sa serye.

***

Maraming eksena na ang nakunan ng baguhang si Gil Cuerva para sa My Love From The Star.

Ayon sa ilang co-stars niya ay nakakasabay na siya sa mga betera­nong aktor.

Sa isang panayam, sinabi ni Gil na malaking tulong ang mga advice na nakukuha niya sa mga matulungin niyang co-actor.

Si Jennylyn Mercado raw ang pinakamatindi niyang kalaban. Dahil kasi sa effortless na pagganap ni Jen bilang Steffi ay hindi niya napipi­gilang tumawa.

Madalas siyang naa-out of character dahil sa galing magpatawa ni Jen.

Kahit nahihirapan ay unti-unti nang natututunan ni Gil ang technique sa pagpigil ng tawa.