Entertaining, yes… pero marami akong thought balloons habang pinapanood ko ang Mercury Is Mine.
Kasi, parang ang dami nitong gustong sabihin.
Pagpapahalaga ba ito sa cooking skills of the Kapampangan? Kasi, maraming cooking segments dito ang parang kusina queen na si Pokwang na nakikipag-usap sa camera.
Kung stage play ito, Brechtian ang style.
Patama ba ito sa corruption at illusions na kasama sa mga reality-based artista searches?
Commentary ba ito about dysfunctional families at kung paanong ang isang nanay wanted to paint a different picture of her life?
Reminder ba ito na may masamang epekto sa tao ang verbal abuse at domestic violence and yes oh yes, crime does not pay indeed?
In praise of older women ba ito lalo na’t may eksenang nilamas at pinisil ni Bret ang isang suso ni Pokwang?
All mine to give si Pokwang bilang Carmen. She tried her best to inject her character her own voice and persona pero sadly, mas lumulutang pa rin ang pagiging Pokwang niya.
Only this me, she wore a blond wig.
The only time na affecting siya was nu’ng kinubabawan siya ni Mercury at parang na-sense ni Carmen na something is wrong with this boy.
At kung paano nag-end ang kubabawan eksena, ‘yun ang nakaka-tumbling.
Bret as Mercury, eh talagang in full Vilma Santos mode.
Sigaw kete sigaw, ngal-ngal kete ngal-ngal at hysterical kung hysterical na may traces of pagkabaliw ang kanyang karakter.
I was just waiting for him to say, “Junjun! Junjun! Nasaan si Junjun?” habang nagwawala ala-Ate Vi in Paano Ba Ang Mangarap?.
Para siyang glow in the dark doll at may extra bonus para sa may mga kili-kili fetish.
Matatakam kayo sa armpits ni Jackson.
In his kili-kili you will trust at masasabi ninyong sulit na sulit ang ibinayad ninyo.
***
NAPANOOD ko na sa Cinemalaya 2016 filmfest ang 1-2-3 na opening film, at tatlong films in competition — Kusina, Mercury is Mine at Lando at Bugoy.
Iba ang atmosphere at energy noong opening. Kasi, damang-dama mo ang power of electric youth.
Inaabangan ko ngang umapir at biglang kantahin ni Debbie Gibson ang kanyang last big hit na Electric Youth.
Majority kasi ng manonood sa Tanghalang Nicanor Abelardo sa CCP eh millennials.
Bagay na sila ang majority of the audiences, kasi, ang 1-2-3 ni Direk Carlo Obispo ay isang clinical look sa child prostitution at human trafficking.
Sobrang makatotohanan ito at may haplos sa puso.
Ang tatlong tween bidas, sina Therese Malvar, Carl Dala at Barbara Miguel.
Hindi sila ‘yung ‘usual’ tisoy at tisay na pa-cute. Hindi rin ‘artistahin’ ang looks.
Pero di hamak na mas magagaling sila kesa sa mga prinsipe at prinsesang uri sa showbiz landia.
With these three, the future’s indeed bright for showbizlandia. Finally, an alpha pack of superb actors.
Ang mga manufactured at network made nubile idols, dapat nerbiyusin sa kanila.
Hindi lang ganda at kisig ang kanilang puhunan kundi talent at husay sa pag-arte.
Barbara channeled the young Baby Tsina. Toughened by her precarious situation, Lulu now is Rose.
Tuwing sinasabi niya ‘yung linya niyang, “Hindi ako si Lulu,” grabe!
Ang tapang-tapang niya. ‘Yung finale ‘moment’- niya, all mine to give talaga.
Malvar as always, did not disappoint as Reyna, the young miss smitten with Luis.
‘Yung partnering nila ni Carl, feeling ko eh mini tribute kina Julio Madiaga at Ligaya Paraiso, mga karakter nina Bembol Roco at Hilda Koronel sa Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag.
Itong si Dala, mahusay at natural. ‘Yung scene nila ni Miguel sa loob ng bar, juice ko! Plok kete plok ang tears ko.
At iyung blossoming of a teen romance nila ni Therese, kilig much. ‘Yung rawness at innocence ni Carl, plus ‘yung expressive eyes niya, potent combination.
***
Ang pinaka-bet ko so far ay ang Lando at Bugoy.
Bakit kanyo? Kasi bittersweet at quiet homage siya sa different kind of love and relationship between the typical macho Pinoy tatay and his rebelling, teen-age son.
May haplos sa puso ang pelikula dahil ang mga bide were so believable in their roles.
Para talaga silang tunay na mag-ama.
Kita mo sa pelikula ang respeto at paggalang sa relasyong ama at anak na lalaki.
Nakatuwa ‘yung mga eksena nina Allen Dizon at Gold Azeron na parehong mag-aaral.
Pulling the heart strings ‘yung eksenang umiiyak si Lando habang ginagawa ‘yung lapida of his dead wife at ‘yung di sinasadyang makita ito ni Bugoy.
Ang direksyon ni Vid Asedillo Jr., hombreng-hombre kaya devoid of the usual dramahan.
Walang extended confrontation scenes.
‘Yung mga away at pagbabati, ‘yung mga resolusyon sa conflicts, usapang lalaki. Inaayos bilang mga lalaki.
Hindi pinatatagal. Hindi ginagawang OA at korni.
Si Gold Azeron, pasok na pasok sa alpha pack of youngbloods na mahusay umarte.
Dapat kabahan ang mga mapuputlang bano sa kanya. Guapo pa ang rehistro sa cinema screen.
And in my own eyes, Lando at Bugoy was a genuinely affecting movie experience.
May aral kang makukuha. Masarap ulit-ulitin.
Gusto ko ang column ni Alwin Ignacio. Very entertaining and witty.
Walang by-lines ang mga short intro description ng entertainment columns pero madalas ko naman nahuhulaan ang column ni AI sa pagbasa ng unang para. Sana lagyan na kaagad ng byline ang tickler page para madaling malaman ang writers/columnists.
kailangan ba talagang bastos ang pamagat
bagay lang ba sa writer yung pamagat na bastos?