ISA si Pokwang sa mga artistang maga­galing magluto.

Sa morning show noon ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Kris TV, madalas magpa-sample ang comedienne ng kanyang mga putahe.

Sa taping din ng kanyang shows sa Kapamilya network, madalas magdala ng mga nilutong putahe si Pokwang.

Kapag may mga kaibigang bumibisita sa kanyang bahay, mismong si Pokwang ang nagluluto.

Dahil sa galing magluto ni Pokwang ay may cookbook na siya, ang Patikim Pokie! (A Hugot Cookbook and More Ganern…) na ilang buwan na rin sa bookstores.

At ngayong sa bahay lang siya dahil sa maselang pagbubuntis, napapadalas ang pagluluto ni Pokwang for her family and friends.

Nakaimbento rin siya ng suka and chili at aligue sauce na balak niyang ilabas sa market sa susunod na taon.

Siya mismo ang gumagawa no’n at marami sa fans niya ang gustong matikman ‘yon, kaya ang pangako ng comedienne ay matutupad ang wish na ‘yon ng kanyang fans next year.

Marami pa raw siyang aasikasuhin at gagawin.

Pagkapanganak ni Pokwang, ang pangarap niya ay bigyan siya ng isang cooking show ng ABS-CBN next year.

***

Kung si Pokwang ay ilang beses nag-try na magbuntis uli hanggang matupad ‘yon, si Assunta de Rossi ay nagwi-wish pa rin at hindi raw siya nawawalan ng pag-asa.

Sa isang baby shower party na pinuntahan niya kamakailan, nag-post siya sa social media ng litrato nila ng kaibigang buntis habang nakahawak siya sa tiyan nito at ang caption ay, “See you soon, Cassey! Mare @itssherylvicente, pahawak naman sa bump mo, kasi ‘bump’ ko puro myoma saka endometriosis.”

Sa ngayon, wait & see lang muna si Assunta at ang mister niyang si Jules Ledesma na matupad ang wish nila.

Habang naghihintay, busy muna ang aktres sa taping ng Impostora ng GMA 7, pati sa mini series na Sunshine Inn nila ni Janine Gutierrez sa Kapuso network pa rin.

***

Ruffa Gutierrez
Ruffa Gutierrez

Ka-message namin si Ruffa Gutierrez kahapon.

“Himala, tahimik ka!” sey namin sa Ruffaree ng Jackpot & Poy segment ng Eat Bulaga.

“I’m sad! I have a knee problem,” sey niya at sinabing kagagaling lang niya sa kanyang doktor. “I can’t work out heavily for 2 weeks. It’s painful!”

Sabi namin kay Ruffa, sinobrahan kasi niya ang kanyang pagwo-work out kung saan kasama niya palagi ang boyfriend na si Jordan Mouyal.

“I got it from doing sprints, so now I can’t run, do squats, plyometrics!” sabi pa ni Ruffa.

Sabi raw ng doktor ni Ruffa, ang problema ng kanyang knee ay ‘yung ITB (iliotibial band), “It’s pulling on my knee cap daw!”

Only pilates, cycling and yoga daw ang allowed na exercises for Ruffa.

Sabi namin kay Ruffa, since hindi siya puwedeng masyadong makapag-exercise nga­yon, dapat ay mag-concentrate siya sa kanyang diet.

Actually, kapag gusto ni Ruffa na mag-diet, nagagawa niya.

‘Yung pag-e-exercise, dahil gusto na naman niyang gawin, halos araw-araw niyang ginagawa na, pero nasobrahan, kaya nagkaproblema ang isang tuhod niya.

“Pero you know what, kay Mond (his brother Raymond Gutierrez) ako bilib, kanina, twice pa siyang nag-gym. Minsan sa umaga, minsan sa late afternoon.

“Nakakabilib talaga si Mond!” sey pa ni Ruffa.

Bilib si Ruffa kay Raymond dahil simula nang pumayat ito ay kaliwa’t kanan ang endorsements ng kanyang kapatid.

“Right now, he’s shooting a new commercial,” sey pa ni Ruffa.