Pokwang, pinatutsadahan si Chokoleit

pokwang-chokoleit

Ipinangalandakan ni Pokwang ang blood-line nya sa kanyang Instagram account para lang iginiit na maganda ang kanilang lahi, taliwas sa mga nagsasabing hindi siya maganda.

Nag-post si Pokwang sa iisang frame ng photos ng dalawang bagets at ang kanyang anak na si Mae Subong, at ang bagong silang nyang baby na si Malia O’Brian.

Ang intensyon ni Pokwang ay para  magpakita ng pruweba na ipakita sa kanyang mga followings at fans na maganda ang dugong nanalaytay sa kanya.

@itspokwang27, “so maganda naman pala ang lahi namin hahahaha, meet my niece and nephew @dannepersdon and @jenniferpersdon from Sweden, si @maesubong and Malia,”

Binanggit ni Pokwang ang pangalan ng kaibigan nyang si Chokoleit para i-bully ito.

“…O, ano laban ka @hot_chokoleit wag ka nga dyan! Gusto mo pa ako idamay sa lahi mo na half human half iskoba!! Bwahahahaha tah ka!”

Gaya nang dati naaliw uli ang mga followings ni Pokwang sa kanyang posting lalo na ang patutsada nito kay Chokoleit.

Sumuporta naman ang mga followings ni Pokwang at sinabing totoo naman ang mensahe nito.

Sa totoo lang, pinupuri ang beauty ng sanggol ni Pokwang lalo’t makikita sa photo nito ang tangos ng kanyang ilong at kissable na labi.