MAY payo si Pokwang kay John Lloyd Cruz, na nagkalat ang NGENGE videos at pictures sa social media dahil sa pakiki­pag-beach ­bonding nito sa Cebu kay ­Ellen Adarna.

Sey ni Pokie sa isa niyang tweet, kung siya sa John Lloyd ay sasampahan niya ng kaso ‘yung nag-upload ng nasabing ­videos na walang pahintulot nito.

Isa sa mga babaeng tropa ni Ellen na ka-jamming nila sa Cebu ang nag-upload ng ­not-so-flattering videos ni Lloydie sa ­Instagram.

Walang keber na pinost nu’ng friend ni Ellen ang videos ni Lloydie sa IG mereseng senglot na senglot ito at kung anik-anik ang pinaggagagawa.

Sa isang apologetic IG post ay inako ni JLC ang kanyang mga inasal at humingi siya ng paumanhin ‘to the little boys and girls,’ pero wala raw siyang regrets sa nangyari.

Dati nang isyu kay John Lloyd ‘yung nalalasing at hindi kinakaya ‘pag nasosobrahan ng inom.

Kaya lang ay wa­lang videos na kuma­kalat noon, kaya wa­lang katibayan.

Eh ngayon, nagkalat ang WALWAL vids ni Lloydie na kagagawan ng ‘social media savvy’ friends ni Ellen!