NAPAPANSIN na ang pambu-bully ni Pokwang sa kaibigang si Chokoleit na kahit ang kanyang mga followings ay may mga komentong tigilan na niya ang komedyante.

Sunod-sunod na ang pambu-bully ni Pokwang kay Chokoleit sa mga Instagram postings nito, gaya na lamang ng selfie photo nila ng anak na si Mae Subong sa tuktok ng isang bundok habang makikita at photo bomber ang nag-e-emote naman sa likod na komedyante.

https://www.instagram.com/p/BccP_gSlSGm/?hl=en&taken-by=itspokwang27

@itspokwang27, “Naku, how true na may bagong kautusan ang instagram na bawal na daw mag-post ng selfie with wild animals? Naku paano po yan? Di bale last na itong pagpu-post ko ng selfie with wild ani…ay! Chokie? Ikaw pala yan??? Hahahaha..itulak kaya kita dyan?”

Jinustify naman ni Pokwang ang pambu-bully niya kay Chokoleit sa isa pang posting sa IG wall niya ng dalawang bata na ang isa ay nambu-bully at ‘yung isa ay tahimik at nakatalikod lang.

May title caption itong, “if your friend doesn’t bully you, he’s not your friend”.

@itspokwang27, “CHOKOLEEEIIITTT @hot_chokoleit Maligo kana!!! Ang dumi dumi at ang baho mo na namannnn!!”

Ilan sa mga followings ni Pokwang ang pumuna sa ginagawa nito sa kaibigan.

@eyaf_onaba, “You’ve mistaken bullying to friendly teasing ms pokwang kasi marami na ngayon nagko-commit ng suicide dahil sa bullying.”

@itsmegeine24, “I hope you just meant this to be funny..you know disguised as comedy..chill, joke lang.”

@kentlopez, “not nice but friend”.

Marami naman ang nagpapatigil na kay Pokwang sa pambu-bully nya kay Chokoleit sa pag-aalalang baka maging kamukha ng baby niya ang kaibigan.

@bubllyshelly, “Mamang, utang na loob tantanan mo na si Chokoleit. Baka maging kamukha ni Malia (name ng magiging baby ni Pokwang) yun! (Peace choks! Bawas2x lang)

@hot_chokoleit.”

@lemalexkim, “tama napo..maawa po kayo sa bata!! Baka magiging kamukha ni choko, hahahaha!”

Wala pang resbak na bully o reaction si Chokoleit sa mga pambu-bully sa kanya ni Pokwang.