
Triggered ang maraming Pinoy sa viral video ng isang Ateneo de Manila Junior High School student na nananakit ng kanyang kapuwa estudyante.
Maging mga taga-showbiz ay uminit ang ulo sa binatilyong bully na ilang beses nakunan ng video na pinagbabantaan at sinasaktan ang kanyang mga kapuwa estudyante, na takot sa kanya at ayaw siyang patulan.
Si Regine Velasquez-Alcasid ay ni-retweet ‘yung videos na nakunang nambu-bully ang nasabing binatilyo.Obvious na apektado si Regine sa disturbing vids na napanood niya, lalo na’t meron siyang anak na batang lalaki, si Nate..Tweet naman ng isa pang nanay na si Pokwang, “Never ako na-bully sa school, pero kapitbahay at kababata ko, madalas kami tawaging mga patay gutom! Ok lang, tutal tapos na ‘yon.
Pero ‘yung mga batang bully ngayon… Please, mga magulang ano na? Galaw-galaw, aba! Sa susunod, sa kulungan n’yo na makikita mga anak n’yong bully!!!!”Tweet ng Kapuso hunk na si Gil Cuerva na sa Ateneo nag-graduate ng high school, “Wow.
I honestly wouldn’t know what to feel if Ateneo doesn’t expel this guy.”Dagdag pa ni Gil, “Man, it’s such a shame.
I came from that school. Really disappointed with the way they’re sweeping this all under the rug.”Tweet ng isa pang Kapuso hunk na si David Licauco, “Bugbog o dignidad? Crazyyyyy. #NoToBullying.”Post naman ni Direk Joey Reyes sa Facebook, “Disturbed, upset by the video sent to me depicting bullying inside a restroom of a most respected institution of learning.
“The images, the language, the attitude of these high school students require immediate attention from ALL CONCERNED. Like RIGHT NOW!”Ang tweet ni Foreign Secretary Teddy Locsin, Jr. tungkol sa hot issue na ito, “The bullied kid may be haunted by this abuse.
The abuser should be beaten senseless. Trust me, this works—sometimes permanently. Jesus, what’s the world coming to when bullies are babied instead of beaten.”Ang sabi ng mga netizen, hindi lang suspension ang dapat ipataw ng Ateneo sa naturang bully kundi expulsion.Iniimbestigahan na raw ng nasabing eskuwelahan ang nasabing insidente, na mabilis naging usap-usapan at trending topic sa social media.
Nora hindi kawalan sa kasal ni Lotlot
Si Christopher de Leon ang nagpaiyak sa amin nang todo du’n sa katatapos na kasal ni Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese fiance na si Fadi El Soury.Ang dami naming niluha habang nag-i-speech si Papa Bo sa wedding reception sa El Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas.
Maging ang bride na si Lot ay napahagulgol dahil sa mga sinabi ng kanyang kinikilalang ama.Ayon kay Papa Bo, maliit na bata pa si Balot ay nakita na niya na magiging loving and responsible ito paglaki.“Lotlot will always be my eldest daughter.
I love you very much and I will always be here for you. I will always be concerned with your welfare.“So, thank you.
Thank you for giving me four good, beautiful and handsome grandchildren,” sambit ng Daddy Boyet ni Lot.Sabi pa nito,
“Not many people may know this, but you have always been a great and responsible Ate to your siblings in their growing years.“Hindi mo sila binitawan, anak. O pinabayaan, ang mga kapatid mo.
And thank you for that. You’re a very loving person, caring and protective mother to your children,” pakli pa ni Papa Bo habang humihikbi ang ‘baby’ niya na si Balot.Patunay ang mga pahayag na ‘yon ng Daddy Boyet ni Lot kung gaano siya kabuting anak, kapatid at ina.
Maraming masasakit na salita ang ibinabato kay Lot, kaya ganu’n na lang ang iyak niya nang puri-purihin siya ng kanyang Tatay Boyet, na kilalang-kilala siya higit kanino pa man.Touching din ang mensahe para kay Lot ng mga anak niyang sina Janine, Jessica, Diego at Maxine, na pawang maligaya para sa kanila ni Fadi.Ang totoo ay hindi naramdaman ang absence ni Nora Aunor sa nasabing okasyon dahil sa outpouring of love para kay Lot ng mga kaibigan at kapamilya niya nu’ng araw na ‘yon.