Itinala ni Ernest John Obiena ang panibago nitong personal best at pinakabagong Philippine athle-tics record sa pole vault Sabado nang umaga matapos itong magwagi ng gintong medalya sa pole vault event ng athletics sa ginanap nitong Hulyo 3 hanggang 14 na 30th Summer Universiade 2019 sa Napoli, Italy.

Itinala ng 23-anyos na si Obiena, na mula sa Chiang Kai Shek College at engineering student sa University of Santo Tomas, ang bagong Philippine record sa nalampasan nitong 5.76 metro upang bitbitin ang ikalawang ginto lamang ng Pilipinas sa prestihiyosong torneo sa buong mundo para sa mga unibersidad.

Ang natalon ni Obiena ay kinulang lamang ng apat na pulgada sa Universiade record na 5.80 metro na hawak ni Istvan Bagyula ng Hungary na naitala sa Sheffeild noong Hulyo 21, 1991.

Bitbit pa rin ni Sergey Bubka ang world record sa 6.14 metro na itinala nito noong Hulyo 31, 1994 sa Sestriere, Ukraine.

Ang gintong medalya ni Obiena ay naglagay naman Pilipinas sa medal board ng torneo sa ika-38 puwesto na may natatanging napanalunan na isang ginto, 0 pilak at 0 tanso.

Matatandaan na nagawa din magwagi ni Obiena ng gintong medalya sa pagtalon sa 5.76 meters upang tabunan ang dati nitong national record na 5.71 na itinala nito sa Asian Athletics Championships sa Doha nakaraang Abril.

Ang ginto ay nagtulak kay Obie-na para makatuntong sa World Championships. (Lito Oredo)