Mahigpit na pinagbawalan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa ang lahat ng kanyang mga tauhan na makipag-selfie sa mga inaarestong celebrity lalo na ang mga showbiz personalities na nasasangkot sa iligal na droga.
Ang kautusan ni Dela Rosa bunsod ng naging epekto ng ginawang pagpapakuha ng litrato ng dalawang policewoman ng Angeles City Police Station 6 sa naarestong aktor na si Mark Anthony Fernandez.
Sinabi ni Dela Rosa, ipinagbabawal niya ito dahil sa mga posibleng masamang epekto o negative impression ng publiko.
“It may cause of special treatment, or double-standard in dealing with rich and famous and poor law offenders, kaya hindi nararapat ang ganoong ginagawa ng mga pulis natin,” ani Dela Rosa.
Sa lumabas sa social media na nag-viral, nakipag-selfie ang dalawang policewomen sa inarestong aktor habang inaayos ang mga dokumento sa pagsasampa ng kaso laban dito sa loob ng Angeles City police station matapos arestuhin nang makuhanan ng may 1 kilo ng marijuana sa isang checkpoint.
“Police personnel should bear in mind that they are members of a law enforcement agency but he understands the two police officers might have been overwhelmed by the presence of Fernandez as a fan of actor,” ayon kay Dela Rosa.
Sa ginawa ng dalawang pulis, agad inatasan ito ni Dela Rosa na magpaliwanag at imbestigahan ng Internal Affairs Service para sa posibleng pagsasampa ng kasong administratibo.
“Sa pangyayaring ito dapat ay maging aware ang mga pulis at alam dapat nila kung saan sila lulugar at ano ang kanilang tungkulin,” pahayag pa ng PNP chief.
KUNG DI BA NAMAN MGA LUKA LUKA YANG MGA YAN?
Luka luka agad? Di ba pwede natuwa lang sila dahil sa kababawan na kaligayahan? Ipagkakait pa ba natin? You’re sooo malupit.
HOY VISAYA
is there any problem of me being a bisaya?