Police chief, tirador ng lagay

Hulaan Blues

Usap-usapan ngayon ng kanyang tauhan ang pagiging masiba daw sa pera ng isang hepe ng pulisya.

Sa nakalap na impormasyon ng TONITE, sinibak daw ni hepe ang dating bagman na siyang kumukuha ng intelehensiya mula sa mga gambling lord sa kanyang nasasakupan upang maging ‘rekta’ na ang paghahatag sa kanya.

Ang masaklap, si hepe na din daw ang nagtatara at naglalagay sa sobre para sa allowance ng kanyang mga opisyal.

Kaya naman ang ibang da­ting may allowance kay hepe, binambo na nito at hindi na binigyan as in ibinulsa nito.

Kuwento pa ng ilang impormante, nag-iipon na daw ang magiting na hepe sa nalalapit niyang pag-aalsa balutan sa kanyang opisina.

Aba’y kapag nalaman ito ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde, baka mag-ipon siya ng galit kapag sinibak sa ginagawang kabulastugan sa trabaho.

Clue: Ang hepe ng pulisya ay malapit sa lalawigan ng Bulacan at may mataas na posisyon sa PNP.

END