Police power ng mga LGU handang papelan ng PNP

Handa ang Philippine National Police (PNP) na gampanan ang res­ponsibilidad para sa ‘full control’ ng mga police operation ng mga local government unit (LGU) sa buong bansa kung hindi kakayanin ng mga local chief exe­cutive na ipatupad ang batas sa kanilang nasasakupan.

Ito ang sinabi kahapon ni PNP Director General Oscar Albayal­de matapos balaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na aalisan ng police power ang mga local chief executive sakaling mabigo silang gawin ang kanilang mga trabaho.

“Yes of course. Ang nakikita siguro ng Presidente napapansin niya ‘yung suporta ng mga local chief executives,” sabi ni Albayalde sa isang panayam sa National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kahapon.

Ipinag-utos kamakalawa ni Pangulong Duterte kay Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Offi­cer-in-Charge Eduardo Año ang pag-audit sa mga lungsod at ba­yan na patuloy na may mataas na crime rate at buy-bust operation. (Edwin Balasa)