Finals Game 2 ngayon:

(Cuneta Astrodome, Pasay)

1:00 pm – Marinerong Pilipinop vs BRT Sumisip

(Marinero leads series, 1-0)

Sa pamumuno ni conference MVP Eliud Poligrates, asinta ng Marinerong Pilipino ang titulo ng 9th PBA D-League Foundation Cup 2019 pagharap ngayong ala-1 ng hapon kontra BRT Sumisip Nasilan-Saint Clare sa Game 2 ng best-of-three finals sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Aasahan din ni Yong Garcia si Jhonard Clarito para walisin ang karibal sa torneo.

“Yun yung nagiging problema namin before and lumabas na naman. Hopefully ma-correct namin para sa Game 2 ‘di kami parang roller-coaster ulit,” pahayag ng MP coach.

Handa namang sagutin ng Saints ang bagsik ng Marinero at sisiguraduhing papahabain pa ang serye.

“If we play that kind of game defensively the whole game, may chance kami manalo,” ani Saints coach Stevenson Tiu. “Let’s see, hopefully maka-isa sa Game 2.” (Aivan Episcope)