Nagbuslo si Eliud ‘Eloy’ Poligrates ng record 67 points para galamayin ang Marinerong Pilipino sa paglunod sa iWalk, 141-97, sa 9th PBA D-League Foundation Cup elims Lunes ng hapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
May 11-of-25 sa downtown ang Camotes Island native na may five assists at two rebounds para was akin ang 58-point feat ni James Martinez sa most points league history nitong August 2, 2016 nang itumba ng AMA Online Education ang Topstar ZC Mindanao, 125-76.
Sinakop ng Skippers ang Group A top spot sa quarterfinals sa 5-0 kasabay sa paghaltak sa Chargers sa 2-3.
“Nakita namin yung score ni Poli, sabi namin kayang abutan yung record ni James. Binigyan namin siya ng chance na habulin at sobrang ganda ng laro niya. Sobrang ganda ng gising ni Poli,” suma ni MP coach Yong Garcia.
Nakaharbat naman ng playoff spot ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare (4-0) nang bisigin ng 24 points ni Joshua Fontanilla sa pagpapadapa sa McDavid-La Salle Araneta (0-4), 112-100. (Aivan Denzel Episcope)