Political ads bawal sa Grab

Hindi pinayagan ng Grab Philippines ang kanilang mga driver-partner na maglagay ng political campaign advertisements sa kanilang mga sasakyan.

Ito ang paglilinaw ng Grab matapos makatanggap ng impormasyon na may mga nagla­lakihang sticker ang ini­lagay sa mga Grab car na tila pag-eendorso.

Ayon kay Grab Philippines Public Affairs head Leo Gonzales, bagama’t nirerespeto nila ang opinyon ng mga driver kung sino ang kanilang kandidato sa nalalapit na eleksyon ay hindi naman nila pinapayagan ang mga political campaign advertisements sa mga sasakyan dahil ang kompanya ay non-partisan.

Kasabay nito, umapela ang Grab sa mga pa­sahero nito at sa publiko na isumbong sa kanila ang mga makikitang Grab car na may political ads.

Umaasa umano si Gonzales na reres­petuhin din ng mga driver-partners nila ang pagiging non-partisan ng kompanya at hindi gagamitin ang kanilang mga sasak­yan sa poli­tical campaign advertisement.