Hindi emergency power­ ang kailangan para maresolba ang problema sa trapik sa Metro Manila kundi political will lamang.

Ito ang iginiit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza­ kaugnay ng emergency power na minamadaling ibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba umano ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

“While we acknow­ledge that we have a very serious traffic problem in Metro Manila, government does not need emergency powers to address it. What is needed is enough political will to mobilize all agencies to work with local government units. This can be done and results can be achieved without resorting to the use of emergency­ powers,” ani Atienza,

Pinag-iingat din ng House deputy minority leader ang Kongreso sa pagbibigay ng emergenc­y power dahil masama ­umano ang naging karanasan ng bansa sa ganitong kapangyarihan na ­ibinibigay sa pangulo.

“Hindi pa ba tayo natuto sa mga nangyari sa ating kasaysayan? Ang one-man rule o emergency powers­ ay hindi nagdulot ng maganda sa ating bansa. Let us not commit the same mistake,” ani Atienza.

Dahil dito, kailangan aniyang mag-ingat ang\Kongreso sa pagbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Duterte sa usapin ng problema ng trapiko sa Metro Manila upang walang pagsisihan balang araw.