‘Politicians are useless!’ ENCHONG

Enchong Dee

USELESS ang tawag ni Enchong Dee sa mga Kongresista na nag-apruba sa P1K na budget para sa Commission on Human Rights (CHR) sa taong 2018.

Wagi ang boto ng 119 mambabatas laban sa 32, para gawing isang libong piso lang ang budget ng CHR mula sa dating P649M.

“I will continue to love my country despite of this government.

“I will continue to be of service to my countrymen despite having no position in government.

“I will continue to uplift Filipino dignity because politicians are useless. #AkoLangTo,” ang tweet ng madalas may socially-relevant opinion na si Enchong.

May mga reaksyon din sa mainit na usaping ito sina Agot Isidro, Iza Calzado, Lea Salonga, Bianca Gonzalez, Jim Paredes, Gretchen Ho, Karen Davila, Vico Sotto at Dingdong Dantes.

Sa mga taga-showbiz na nasa Kongreso, si Congresswoman Vilma Santos-Recto lang ang naglabas ng statement na naka-sick leave siya kaya hindi nakaboto.

Kasanay nito, nilinaw ni Ate Vi na tutol siya sa desisyon ng house majority na bigyan lamang ng P1K budget ang CHR.