Kumbinsido si Vice President Leni Robredo na may politika sa naging kapalaran ni Australian Missionary Sister Patricia Fox.
Sinabi ni Robredo na nakakalungkot na ang pagpahayag ng saloobin ni Fox laban sa administrasyon ay kailangang pagbayaran.
Si Fox aniya ay isang banyaga na ini-alay ang buhay sa loob ng 27 taon sa bansa para tulungan ang mga mahihirap na Pilipino.
Gayunman ay umaasa si Robredo na darating ang panahon na babalik si Fox sa Pilipinas at ipagpapatuloy ang kanyang misyong tulungan ang mga Pilipino katulad ng mga Lumad.
Si Sister Fox ay pinabalik ng Australia makaarang hindi palawigin ng Bureau of Immigration ang temporary visitor’s visa.
Inakusahan ang madre ng pagsali sa political activities sa bansa.