Sino daw itong politiko ang walang pakialam kahit may taong kausap basta’t makahithit lamang ng sigarilyo?

Nakarating sa impormasyon ng Tonite na kahit may taong kausap ang politiko, hindi ito tumitigil sa paninigarilyo bagkus ay nakakaubos ng tatlong stick sa loob lamang ng ilang minuto.

Malas mo nga kapag natiyempuhan mo ang politiko dahil gagawin ka niyang tinapa sa dami ng usok na lumalabas sa kanyang bunganga.

Ang classic nito, hi­git 70-anyos na ang politiko pero kung magbisyo ay wagas.

Clue: Ang politiko na parang pugon kung manigarilyo ay kilalang takot sa kanyang kumander. May letrang B sa kanyang pangalan at taga-Metro Manila.