Hindi naiwasan ng isang senador na alaskahin ang isang politiko dahil sa pagiging asyumero nito pagdating sa mga endorsement.
Natatawang nagkuwento ang mambabatas sa ‘palpak na unawa’ ng politiko na gustong maging senador sa darating na halalan, sa sinasabing endorsement sa kanya ng kalaban sa politika.
Hindi aniya muna inunawa ng senatoriable ang tunay na mensahe ng endorsement na kinalaunan ay lumitaw na pang-aasar lamang o sarcastic endorsement.
Nang marinig daw kasi ng senatoriable ang umano’y endorsement ay buong puso pa ang kanyang pasasalamat kahit alam niyang matinding kalaban nito sa politika ang nagbigay ng pahayag.
Huli na aniya nang malaman ng senatoriable na pambubuwisit lamang ang endorsement sa kanya.
Lesson learned, ayon pa sa senador, ay iwasan ang agarang pagkokomento sa mga bagay na hindi alam ang buong kuwento upang hindi napapahiya.
Clue: Ang ating mga bidang senador ay may ‘E’ sa kanyang apelyido as in Ensaymada na mas masarap kung may keso sa ibaba habang ang senatoriable ay mayroong ‘R’ sa kanyang apelyido na pangalan din ng isang lugar.