Nagkalat daw ng lahi ang isang mayamang politiko sa bansa matapos na manggigil at anakan ang tatlong dancer sa showbiz industry.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Tonite, nagbunga ang pagtuhog ng politiko sa tatlong dancer. Agad siyang nagkaroon ng tatlong panganay sa magkakaibang ina.

Todo-suporta naman daw ang politiko sa pa­ngangailangan ng tatlo niyang panganay at sa mga ina ng mga ito.

Nabatid na ang tatlong dancer ay nakilala lamang ng politiko sa matalik na kaibigan sa showbiz industry. Ang kaibigan ng politiko ay mayaman rin at kilalang matinik sa tsiks.

Agad umanong natipuhan ng politiko ang tatlo sa mga pinakilalang mga dan­cer at isa-isang kinama ang mga ito kapalit ng malaking halaga.
Subalit sa hindi ina­asahang pangyayari, nabuntis ang tatlo courtesy ng matulis na politiko.

Ang masaklap nito, mukhang hindi pa alam ni misis na may tatlong sinusustentuhan si mister.

Kapag nalaman ito ni misis, tiyak na magwawala ito at hihingi rin ng mas malaking kapalit tulad ng mga mamaha­ling painting, alahas at iba pang maluluhong bagay.

Kakayanin naman ito ng politiko dahil sa dami ng kanyang negosyo, as in barya lang ito sa kanya.

Mahilig manga­bayo ang politikong ito kaya naman magaling din itong mangabayo ng mga natitipuhang kababaihan.