Politiko late sa event dahil sa pagsa-shopping

Halos mamuti daw ang mata ng mga ­taong nag-aabang sa isang politiko dahil sa late na itong duma­ting sa event.

Inabot daw ng halos 4 na oras na late ang politiko sa event na inorganisa ng mga OFW.

Kahit late duma­ting ang politiko, mainit pa rin siyang sinalubong ng mga tao.

Paliwanag ng politiko, nasiraan daw ang kanyang sasakyan kaya hindi siya nakarating on time sa event.

Ang hindi alam ng mga tao, tambak ang shopping bag sa sasakyan ng politiko.
Aba’y dumaan pala muna sa shopping mall ang politiko at ginanahan sa pagbili ng mga damit at sapatos.

Clue. Ang politiko na late sa event dahil sa pagsa-shopping ay kilalang mahilig sa tsiks at may letrang N sa kanyang pangalan as in Nike.