Politiko maglalasing sa community quarantine

Sanay nang tumambay sa kanyang bahay itong politiko kaya hindi siya gaanong apektado sa pinatupad na lockdown ng gobyerno.

Bumili na kasi ito ng maraming beer, whisky at wine at tinambak sa kanyang bahay.

Sa ginawa ng politiko, mukhang maglala­sing lamang ito sa loob ng isang buwan na lockdown sa Metro Manila.

Ang classic nito, baka magyaya pa siya ng barkada para mag-inuman sa kanilang bahay.

Kapag nagkataon, mawawalan ng silbi ang social distancing na pinatutupad ng gobyerno para mapigil ang pagkalat ng coronavirus.

Clue: Ang politiko na maglalasing sa panahon ng community quarantine ay may letrang I sa kanyang pangalan as in Inom.