Politiko type maging DFA chief

Sino daw itong politiko ang type maging kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA)?

Ito raw ang pangarap ng politiko kaya’t todo ang sipsip kay Pangulong Rodrigo Duterte noon.

Gusto daw kasi ng politiko na makadaupang-palad ang diplomatic community sa loob at labas ng bansa as in gusto niyang maging international ang kanyang beauty eheste ang misyon niya sa trabaho.

Ang masaklap, nasilat siya sa ­puwesto ni dating Makati Rep. ­Teddy Boy Locsin.

Kaya ang bagsak ngayon ng politiko, tumakbo na lang sa pagka-senador kahit na suntok sa buwan ang pangarap na ito dahil sa dami ng magagaling at mga magbabalik sa Senado.

Clue: Ang politiko na nasilat sa pangarap na maging DFA chief ay naka-BMW as in ‘Buhok Mo Wig’ at may letrang ‘R’ sa kanyang pangalan as in ‘Rated R’ kung magsalita.