tonite-pak-allan-dionesNakatikim ng pamba-bash si Vice Ganda nang makunan siya ng picture kamakailan na kasama si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa airport ng Ozamiz City.

May mga nag-akusa agad kay Vice na ineendorso niya ang pagtakbo nito. Kung ano-ano pa ang sinabi ng mga netizen laban sa comedian-TV host. Pero nilinaw ni Vice na nagkasabay lang sila sa eroplano.

Nahingan namin ng reaksyon si Ms. Imee tungkol dito at ang sabi nito, “Tama si Vice. Totally, tama si Vice, 100%. Dahil kami ay parehong inimbita ng Ozamiz at that point and nagkasabay kami.

“Iisa lang naman ‘yung airplane at wala namang political anything or endorsed anyone. Wala talaga. But I’m a fan! Ha! Ha! Ha!”

Binati raw ni Ms. Imee si Vice, pero pareho raw silang inaantok bilang ang aga ng flight nila na ‘yon to Ozamiz. Hindi pa siya nakakapag-guest sa ‘Gandang Gabi Vice’ at gusto raw niya kung iimbitahan siya.

“I’d love to. It looks so much fun, parati akong nanonood, eh. Mukhang masayang-masaya. Baklaan lang to the max, so funny!” sey ng aminadong babaeng bakla na si Ms. Imee.

Nakunan din namin ng reaksyon si Ms. Imee tungkol sa naging big issue na pagpe-perform ni Moira dela Torre sa Marcos Fest free concert sa Ilocos Norte nu’ng September 11 na maraming anti-Marcos ang nam-bash kay Moira.

Nagpaliwanag si Moira sa social media at sinabing hindi nito alam na Marcos event pala ang concert na ‘yon. Nagalit pa si Moira sa concert producer dahil sinadya raw hindi ipaalam sa kanya ang tungkol doon para huwag niyang tanggihan ang event.

Kinontra ng tourism­ office ng Ilocos ang pahayag ni Moira at sinabing alam nito at ng management nito ang lahat ng tungkol sa pinuntahan nitong event at hindi raw ito pinilit na mag-perform doon.

Sey ni Ms. Imee, kinumbida lang din siya roon but it was a well-publicized event at birthday ng tatay niya nu’ng araw na ‘yon na kung tawagin nila ay Marcos Day.

“So, alam naman ng lahat, wala namang sik­reto du’n. Bakit namin ikukubli ‘yon?”

Na-offend ba siya at ang mga taga-Ilocos sa sinabi ni Moira na hindi nito alam na Marcos event pala ‘yon?
“Nagulat naman ako. Kasi, nandu’n naman lahat at may kontrata naman ‘yon, maliwanag naman lahat ‘yon.

“At saka ang dami-dami nang artists na pumunta du’n, wala namang ganu’n. Wala, eversince. Minsan, bina-bash sila, hindi naman maiiwasan. Talaga namang may haters, there’s no issue with that.

“‘Di ba, nagkaganu’n din sina Parokya (ni Edgar), Eraserheads, whoever the band is, nagkakaisyu talaga. Pero wala lang, ‘di ba? Kasi, you just take it as it rolls.

“Pero ito… so funny nga, eh. At saka wala naman ‘yung ganu’n na allegations of deception and fraud. Medyo nakakatawa naman ‘yon.”

After ng kontrobersya na ‘yon, iimbitahin pa ba nila ulit si Moira para mag-perform sa Ilocos?

“I don’t know, hindi na ako nakikialam diyan. Actually, we tried to run an online poll kung sino ‘yung gusto ng mga bata. Eh ‘di siyempre, si Moira, gusto namin.

“Kung sino ‘yung available at afford namin, ‘yun ang papasok. Hindi naman ako nakikialam sa mga choice-choice na ganyan. Bahala na sila, kung sinong request ng mga bagets!” pakli pa ni Ms. Imee, na magbi-birthday sa November 12.
***

Kiray ‘di pa isinuko ang pagkababae

In all fairness ay cute ang non-showbiz boyfie ni Kiray Celis, pero ayaw niya itong i-display at ni hindi niya pino-post ang pics nito sa social media.

Sa private Facebook account niya lang daw ito pinu-post dahil mas bet niya ‘yung ganu’n na walang nakikialam. Hindi na raw kailangang ipagmalaki na masaya siya, basta alam niyang happy siya.

Hindi niya naman daw ito tinatago dahil nakikita naman sila ‘pag lumalabas sila nito. One year na pala sila at may business sila together ng kanyang 22-anyos na boyfriend.

Sa tanong kung naisuko na ba niya ang ‘Bataan’ sa nobyo niya, ang sagot ng 23-anyos na si Kiray ay hindi pa dahil natatakot siya.

Nakapagbiyahe na sila abroad at nagsama na sila sa isang hotel room, pero kasama raw nila ang friends nila sa kuwarto.

Saka na raw niya isu-surrender ‘yon kapag stable na siya sa sarili niya. Pangarap niya ring makapag-tour muna around the world bago siya mag-asawa.

Mapapanood si Kiray sa most malditang karakter niya ever na si Venus sa teen suspense-thriller movie na ‘Class of 2018’ na pinagbibidahan nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro. Ngayong November 7 ang showing nito in ci­nemas nationwide.