Pinayuhan ng isang mambabatas ang mga botante na huwag iboto sa nalalapit na midterm elections sa Mayo ang mga politikong nahaharap sa mga kasong plunder at iba pang malalaking krimen.
Naghihimutok si Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate dahil may mga politiko na nahaharap sa matitinding akusasyon gaya ng pandarambong pero patuloy pa rin na nakakalaya at pinapayagan na sumabak sa eleksyon at muling mahalal sa posisyon.