Sinita ng Malacañang ang ilang pulitiko at opisyal ng gobyerno na buwag gamitin ang kanilang posisyon para mabigyan ng special treatment sa COVID test.
Kasanod ito ng puna at batikos ng publiko at mga netizen sa ilang pulitikong nagpa-test sa coronavirus sa kabila ng limitadong testing kits ng gobyerno.
Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na mayroong protocol ang gobyerno sa paggamit ng teating kits at dapat ay prayoridad ang mga talagang may kailangan nito.
“May general rules tayo diyan di ba, walang lamangan, walang gulangan. Iyan po ang ating mensahe para sa lahat, para sa lahat ng Pilipino. Kaya nga po mayroon tayong general guidelines na ipinapatupad para po pantay-pantay lahat,” ani Nograles.
Umani ng batikos sa netizens ang ilang pulitiko na ipinagwagwagan pa sa social media ang pagpapa-covid test sa kabila ng limitadong testing kits ngayon ng Department of Health.
Ilan sa mga pulitikong nagpa-COVID test ay kasama pa ang buong pamilya. (Aileen Taliping)