Polusyon sa Taguig, Mandaluyong matindi

Naitala sa mga lungsod ng Taguig at Mandaluyong ang pinakamatinding polusyon na naranasan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa datos na inilabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkoles, batay umano sa Air Quality Indewx para sa ‘particulate matter 10 micrometers’ o PM10, lumalabas na ‘hazar­dous’ ang hangin sa Mandaluyong habang ‘unhealthy’ naman sa Taguig.

Sa PM10 monitoring sa Mandaluyong, naitala ang 497 micrograms per cubic meter samantalang 355 mic­rograms per cubic meter sa Taguig.

Pangatlo ang Caloocan City sa nakapagtala ng ‘unhealthy’ na hangin dahil sa 332 micrograms per cubic meter ng PM10 na na-monitor sa naturang lungsod.

Sa Taguig City pa rin, partikular sa Bonifacio Glo­bal City naitala ang pinakamakapal na usok dahil sa ginawang pinakamalaking countdown dito para salubu­ngin ang Bagong Taon.

Tumaas umano ang antas ng polusyon mula alas-11:00 nang gabi (Disyembre 31) hanggang alas-dos nang madaling-araw nitong Enero 1, 2020.

“Mas mataas ang carbon dioxide ngayong taon kumpara sa pagsalubong ng New Year noong nakaraang taon dahil sinabayan ito ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila, ‘di tulad ngayong taon na naranasan lamang ang mga pag-ambon,” paliwanag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda. (Dolly Cabreza)