Pomoy aprub kay ‘AGT’ champ Shin Lim

Pinuri ng dating kampeon ng “America’s Got Talent” season 13 na si Shin Lim ang Pinoy pride na si Marcelito Pomoy.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang reaction video sa cover ni Marcelito ng “Con Te Partito” ni Andre Bocelli.

Nagpasalamat naman si Marcelito sa papuring natanggap mula sa magician. Aniya, “You are amazing as well. I was impressed by your magic. I want to know how to do it.”

Marami ang nag-aabang sa final performance ni Marcelito sa darating na grand finals sa Lunes, February 10.

Mahigpit niyang makakalaban ang acrobats V. Unbeatable, The Silhouettes, “Stormtrooper” dance group, Boogie Storm at ang singer na si Angelina Jordan. (Rona Ronda)