Naniniwala ang militar na malaki ang kinalaman ng ilegal na droga sa pagkakaroon ng pondo ng Maute Group na nagbigay-daan sa mga ito para makabili ng mga armas na siyang ginamit para lusubin ang Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippine (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, maaari umanong nakapag-ipon ang Maute dahil sa ilegal na negosyo.
“It has taken time. In the course of time, nakapag-ipon ito. Naniniwala kami na ang ibang armas na ito ay nanggaling sa pagnenegosyo ng droga,” pahayag ni Padilla sa isang interview.
“May iba po silang support structures na ang pinanggagalingan ng kanilang tulong ay galing sa mga illegal na activity kasama na ang droga,” aniya pa.
Katunayan, ayon pa kay Padilla, sa mga nakalipas na operasyon ng militar laban sa Maute Group, bukod sa mga armas ay nakakarekober din sila ng mga droga at drug paraphernalia.
Sa kasalukuyan ay halos maglilimang araw na ang nagaganap na bakbakan ng tropa ng pamhalaan laban sa Maute Group sa Marawi City kunsaan 31 terorist kabilang ang ilang dayuhang pinaniniwalaang jihadist ang napatay habang may 11 sundalo, 2 pulis at limang sibilyan naman ang nalagas sa panig ng pamahalaan.
PURO DROGA LANG ALAM NG SATANAS NA DUTERTE…WALA NAMAN NAHUHULI PANG BIG SHOT O INTSIK…ANG DAMING GAGONG DUTERTARDS
Galing po sa supporter ng Maute. Sino sino po ba ang supporter nila? Tanungin ninyo si Trillanes at si Bam?
STUPID KA NGA
ty
China din kaya ang supplier nila ng Droga at mga Armas?
Ayan na!!!! lumabas na yung TOTOONG MOTIBO ng MARTIAL LAW kuno!!!! gumawa ng TANIMTERORISTA at DRAMA ,,yung pala DROGA lang !!! ginamit nyo pa yung buong MILITARY at nagsayang lang kayo ng PERA ng BAYAN..ginulo ninyo yung mga nanahimik na mga INOSENTE MUSLIM at pinagWAwasak ninyo yung RESIDENTE at ibang ESTABLISHMENTs..para lang sa KABALIWAN ni DUTERTE,,,yan ba ang TAMA?????