Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng ahensya ng gobyerno na magsumite ng report kaugnay ng naging pinsala ng bagyong ‘Tisoy’ para sa pagpapalabas ng kaukulang pondo.

“The question is if we have this kind of si­tuation, it’s always money. It would be good for the entire government agencies here to submit your report immediately so we can pass it on to the pro­per agency concerned,” sabi ni Duterte sa gina­wang situation briefing kaugnay ng epekto ng bagyong ‘Tisoy’ sa Bicol region.

Nagpahayag naman ng satisfaction ang Pa­ngulo sa naging pagtugon ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo.

“It is always after the calamity. After all is said and done, it is always about mone­y. I do not have to give any critic because I said, everyone knew what to do before, during and after. I’m more than sa­tisfied with the performance of government,’ sabi ng Pangulo.

Samantala, itinulak ni Duterte ang pagtatayo ng mga permanenteng evacuation center sa Bicol kasunod nang pananalasa ng mga bagyo. (Prince Golez)