Ponggay ingat sa Covid kahit karampot ang saplot

Okay lang magbikini basta’t hindi makakalimutan ang isang panangga sa Covid-19.

Sa Instagram post ng Ateneo volleybelle na si Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston kahapon, kanyang pinakita ang athletic body sa suot na green two-piece bikini habang naka-face mask.

Ang nasabing trend ay tinatawag na ngayong ‘trikini’, na kahit may pandemya ay hindi pa rin napipigilan ang kababaihan na ipasilip ang kanilang pinaghirapan na summer body.

Kahit si Angelica Panganiban ay napa-wow sa kaseksihan ni Ponggay, na dating na-link kay UP stalwart Kobe Paras.