PopCom naalarma: 10-anyos pa lang buntis na

Hiniling ng Commission on Population and Development (PopCom) kay Pangulong ­Rodrigo Duterte na pabilisan ang pagpapasa ng ­panukalang batas hinggil sa teenage pregnancy.

Naalarma na kasi ang PopCom sa patuloy na pagdami ng mga kabataan na nabubuntis sa murang edad pa lamang.

Naalarma ang PopCom sa patuloy na ­pagdami ng mga kabataan na nabubuntis sa murang edad pa lamang.

Ayon kay Undersecretary for the Population and Development at PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III, sa kasalukuyan ay nasa edad 10 hanggang 14-taong gulang ang nabubuntis na mga kabataan dahil na rin sa kakulangan ng edukasyon at pangangalaga ng magulang.

Lumabas sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na noong 2017 ay nasa 1,958 ang kabataan na nabuntis at umabot pa ng 2,250 sa kasunod na taon.

Kaya naman nagpapasaklolo na sila kay Pangulong Duterte para mapabilis ang pagpapasa ng Kongreso sa teenage pregnancy bill dahil sa ngayon umano ay nasa 108 milyon na ang po­pulasyon.

Dagdag pa nito na kailangang ­mabigyan ng prayoridad ang teenage pregnancy bill para makatulong na mapigilan ang paglobo ng ­populasyon ng bansa. (Vick Aquino)