Nanawagan ang apostolic nuncio ng Vatican sa Pilipinas na bawasan ng kabataang Pilipino ang paggamit ng cellphone dahil nakakaadik ito at bigyan din ng panahon ang ispirituwal na aspeto ng kanilang buhay.
Sa harap ng kabataang lumalahok sa anim na araw ng National Youth Day (NYD) sa Cebu City, sinabi ni Archbishop Gabriele Caccia na bagama’t mahalaga ang mobile phone para sa kabataan, hindi naman dapat na magpaalipin ang mga ito sa nasabing gadget.
“The mobile phone is a great help. It’s a progress. It’s nice that everyone knows how to use it…When the mobile phone is dragged, communication is reduced to simple contacts. But it is not (just) contact, it needs to communicate,” pahayag ni Caccia sa kanyang homily sa closing mass ng NYD 2019 na ginanap sa Cebu City Sports Center nitong Linggo.
Hinimok din nito ang kabataan na maglaan ng oras na walang hawak na cellphone para makapagnilay-nilay.
“I invite you. Every day, put a timer in the mobile phone for 10 minutes alone, in the room, or could be in open until your phone rings. And listen to your voice of conscience. Think what life is. What is supposed to be done? What is just and what is wrong,” ayon pa kay Archbishop Caccia. (PNA)