Pope Francis may pamisa sa ika-100th birthday ni St. John Paul II

Nakatakdang mag-alay ng misa si Pope Francis sa puntod ni St. John Paul II sa St. Peter’s Basilica.

Ito ay bilang paggunita na rin ng Simbahang Katolika sa buong mundo sa centennial birth anniversary ni yumaong St. John Paul II, kahapon (May 18).

Maging sa Vatican ay inalala ng Santo Papa ang ika-100 Kaarawan ni Pope John Paul II na patuloy aniyang nagsisilbing tulay para masigurong magkaroon ng kapayapaan ang buong mundo.

Nagmarka si Pope John Paul II at minahal ng mga Pinoy nang dumalaw ito sa bansa.

Taong 1995 nang isagawa ang World Youth Day sa Pilipinas kung saan nahimok nito ang mga kabataan na tumatag ang pananampalataya sa Diyos.