Pops ibibida ang ‘Pinas sa ‘The World’s Best’

tonite-pak-allan-diones
Matagal na naming alam ang tungkol sa international show na kasali si Pops Fernandez, pero hindi pa sila puwedeng magsalita about it kaya hindi muna ­namin isinulat.
Now it can be told na kasama si Pops sa bagong global talent competition series na “The World’s Best” na ipapalabas sa CBS network sa Amerika.
Na-excite kami for Pops dahil pawang bigatin ang headliner ng show. Celebrity judges sina Drew Barrymore, Faith Hill at ang paborito na­ming drag queen superstar na si RuPaul Charles. Ang kuwelang si James Corden ang host.
Sobrang laki ng show na ito na 195 countries ang maglalaban-laban. Kabilang si Pops sa 50 experts mula sa 38 countries na kung tawagin ay Wall of the World.
Sila ang magbibigay ng feedback sa bawat round ng competition at later on ay tutulong sa mga celebrity judge na magdedesisyon kung sino ang karapat-dapat tanghaling The World’s Best.
Ang Wall of the World ay binubuo ng mga champion, award winners, international TV judges at superstars sa kanilang mga bansa.
Music Icon ang nakalagay sa bio ni Pops. Isa sa mga kasama niya sa nasabing prestigious team ay ang beauty queen na si Ariadna Gutierrez, na kilala ng mga Pinoy bilang si Miss Colombia, na binawian ng korona sa Miss Universe 2015 dahil si Pia Wurtzbach ang rightful winner.
Meron silang kasamang rapper, journalist, choreographer, ballet dancer, comedian, magician, fashion designer, telenovela star, at iba pa.
May moment na iwi-wave nila ang kanilang respective flags at si Pops ang proud na magwawagayway ng bandila ng Pilipinas.
Ang dinig namin ay si Martin Nievera ang unang kinukuha for the show, pero hindi pumuwede sa schedule ni Martin. Ibig sabihin ay para kay Pops talaga ito kaya sa kanya napunta.
In fairness ay may pambato ang ‘Pinas sa “The World’s Best” dahil pasok dito ang TNT Boys na muling magpapasiklab sa pangabog nilang version ng ­“Listen” ni Beyonce.
Sa teaser ay bilib na bilib si Drew Barrymore kina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez at Francis Concepcion. May soft spot daw si Drew sa kids dahil dati siyang kid performer at meron na siyang kids nga­yon.
“This is a whole other thing. You possess a gift. You’re just that good!” papuri ng Hollywood actress sa TNT Boys, na sinang-ayunan ng kanyang co-celeb judges.
Si Corden ay nagbiro kina Mackie, Keifer at Francis ng, “What about adding a chubby British guy?” na tinawanan ng tatlong boys.
 Tumataginting na $1M ang premyo sa one-of-a-kind talent competition na ito na pawang elite acts from around the world ang magtutunggalian.
Sa February 3 ang premiere ng “The World’s Best” sa CBS pagkatapos ng Super Bowl.

Asiwa sa daddy: Robin ‘Tol ang tawag kay Aljur

 

Balik-aksyon si Robin Padilla sa biopic na “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story” pero aminado siyang bihira na ang gumagawa ng action mo­vies ngayon.

 

Ani Robin, ipinapamana na niya ang action genre sa mga mas batang aktor. Nabanggit niya na bilib siya kina Coco Martin, Dingdong Dantes at Dennis Trillo na pa­wang nag-aaksyon sa telebisyon.

 

Si Coco ay bida ng “Ang Probinsyano” samantalang sina Dingdong at Dennis ang bida sa katapat nito na “Cain at Abel.”

 

Si Coco pala ang unang sinadyest ni Binoe na magbida sa film bio ni General Bato nu’ng una na akala niya ay hindi niya ito magagawa.

 

Marami raw siyang sinadyest, kasama na rito si Aljur Abrenica na mister ng anak niyang si Kylie Padilla. Gusto ring mag-aksyon ni Aljur, pero hindi raw ito pumuwede sa movie.

 

In fairness ay very close na raw sila ng manugang niyang si Aljur after n­itong pakasalan si Kylie. ‘Tol ang tawag ni Robin kay Aljur at Tito ang tawag nito sa kanya.

 

Asiwa siyang patawag ng Daddy kay Aljur dahil nakokornihan daw siya. Katwiran ni Binoe, iba na ang panahon ngayon at baka raw sa usapin ng magkaibigan at magbespren ay mas mahalin lalo ni Aljur ang daughter niyang si Kylie.

 

Dati na raw siyang masaya para kina Kylie at Aljur, ang gusto lang niya ay bigyan ng mga ito ng apelyido ang anak na si Alas. Ginawa na raw ng dala­wa, so ayos na ang lahat.

 

Sa January 30 ang showing sa mga sinehan ng “Bato” na may intense hagulgol scene si Robin, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.