Napaluha si Pops Fernandez kahapon nang mapag-usapan kung paano sila naging okey ni Katrina Ojeda, ang ex ni Martin Nievera na naging dahilan ng hiwalayan nilang mag-asawa noong araw.

Last Christmas ay kasama nila ni Martin ang two boys nilang sina Robin at Ram, tapos ay naka-bonding din nila ang bunsong anak ni Martin na si Santino at ang ina nito na si Katrina.

Inamin ni Pops na it took a long time bago sila naging okey ni Katrina dahil hindi raw siya normal kung naging madali ‘yon para sa kanya.

Aniya, time heals a lot of wounds at blessed daw siya sa buhay kaya nawala na lahat kung anuman ang galit niya noon kay Katrina.

At ang pinakamalaking factor ay nang ma-meet niya in person si Santino.

“When I saw Santino, such a sweet kid… it broke my heart. I think that totally changed ‘yung pananaw ko talaga. So, I said everything has to be okay and it is,” emosyonal na bulalas ni Pipay.

“Nakakainis ka kasi, eh,” naluluhang tapik ni Pops sa katabi niyang si Martin.

Sabi pa ng Concert Queen, hindi normal ang Pasko nila na magkakasama silang lahat na gano’n, but they somehow made it normal and they had a great time.

Dugtong ni Martin, it was a great Christmas kahit very uncomfortable siya na magkasama sina Pops at Katrina in one table. But Pops said komportable sila ni Katrina sa isa’t isa.

Modern family magic ang tawag doon ni Martin, na puring-puri ang powerful woman na si Pops. In fairness ay binigay din ni Pipay ang credit kay Katrina.

After ng Q&A ay natsika pa namin si Pops at sabi niya, “I love Santino and I’m so happy that he also loves me. You have to see him.

“I think it’s that I didn’t expect that we will have that love for each other. It’s an automatic thing.

“I first met Santino 4 or 5 years ago. It was an instant attraction. And then, I was invited last year or 2 years ago for the very first time sa birthday niya,” nakangiting pakli ni Pipay.

Ani Martin, may autism spectrum ang anak niyang si Santino at nakita ni Pops ang struggles nito.

Nakakatuwa dahil nakasama nila si Santino sa concert tour nila sa US last year at nag-play pa ito ng drums sa shows nila.

Part din ng tour sina Robin and Ram, so naging family affair ang masayang “Twogether Again” concert tour nila sa Amerika.

This coming Valentine’s ay dadalhin nina Pops-Martin ang nasabing concert sa The Theatre at Solaire at week-long ito (February 14, 15, 17, 18, 19, 20 & 21).

Si Martin mismo ang direktor ng “Twogether Again” at wala silang script ni Pops, spontaneous lang lahat.

Kabilang sa guests ng Concert King & Queen sina Ken Chan, Rita Daniela, Joaquin Domagoso at LA Santos.

Tampo sa station ID ng Dos itinanggi ni Jed

Itinanggi ni Jed Madela na nagtampo siya sa ABS-CBN dahil niligwak siya sa shoot ng station ID.

Nag-post kasi si Lea Salonga ng pic nito from the SID shoot at nasabi lang daw ni Jed na hindi niya alam ang tungkol doon.

Pero wala raw sa kanya ‘yon dahil baka wala raw talaga sa concept na maisama siya. So, okey lang dahil hindi naman daw porke wala siya sa SID ay hindi na siya part ng pamilya.

Wala raw talagang tampo si Jed, lumaki lang daw ang isyu nu’ng marami nang sumawsaw at binigyan na ito ng ibang meaning.

Transparent daw si Jed at nagpu-post talaga siya kung anong napi-feel niya. Minsan ay nami-misinterpret ‘yon ng mga tao, pero hindi na raw niya kontrolado ang isip ng mga ito.

Aminado si Jed na sumasagot siya at patola siya sa bashers dahil katwiran niya, you have to put them in their place.

Samantala, hindi raw ma-imagine ni Jed na lilipat siya sa ibang network sakaling hindi ma-renew ang franchise ng Kapamilya network dahil dito siya nagsimula at ito ang nagtiwala sa kanya.

If worse comes to worst ay live shows o concerts na lang daw ang pagtutuunan ni Jed, tulad ng pre-Valentine show nila ni Angeline Quinto na “Voices For Love”.

Si Tita Annabelle Rama ang producer ng first concert nina Jed at Angeline na magaganap sa Marriott Grand Ballroom sa February 12.

Madalas silang magkasama sa “ASAP”, pero hindi pa pala sila nagka-back-to-back show, so excited ang dalawa.

Parehong matataas ang boses nina Jed at Angge, pero hindi raw puro biritan ang repertoire nila dahil Araw ng mga Puso at romantic songs ang gustong marinig ng concert audience.

‘Miracle’ kumita ng P400M sa MMFF

Naka-P400M (as of January 7, 2020) ang “Miracle in Cell No. 7” ni Aga Muhlach na tinanghal na top grosser sa katatapos na 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Malamang ma-extend pa ang hit movie na ito na ang projection ng Viva Films ay lalampas ng P500M ang total box-office take.

#2 ang “The Mall, The Merrier” ng dating MMFF Queen na si Vice Ganda (P320M), #3 ang “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” ni Coco Martin (P90M), #4 ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” ni Vic Sotto (P70M), #5 ang “Sunod” ni Carmina Villarroel (P20M) at #6 ang “Mindanao” ni Judy Ann Santos (P17M).

Wala kaming final figures ng #7 na “Write About Love” at #8 na pelikula ni Iza Calzado.

Roughly P960M ang kinita ng MMFF 2019 sa total run nito, so hindi na masama.