Pops nawindang sa pagpanaw ni Chokie

tonite-pak-allan-dionesIsa si Pops Fernandez sa mga nagulantang sa biglaang pagpanaw ng komedyanteng si ­Chokoleit.

Kuwento sa amin ni Pops, sobrang shocked siya sa nangyari dahil katsika-tsika pa niya si Chokoleit bago ito sumalang doon sa variety show ng Abrenian Kawayan Festival 2019 sa Abra Sports Complex nu’ng Sabado night.

“I am soooo shocked and so sad. Can you ima­gine talking to someone one minute then after ­minutes, they tell you he passed away?” malungkot na dayalog sa amin ni Pipay.

Dapat pala ay hindi matutuloy si Pops sa out of town event na ‘yon dahil paalis siya pa-Amerika the following night, pero naayos na ilagay siya sa earlier slot para makabalik agad siya ng Manila after.

Sa backstage ay nag-reminisce pa sina Pops at Chokie tungkol sa US tour na nagkasama sila ­before.

“Happy and proud pa naman siya to tell me na okey na siya and nakaipon na siya,” pakli pa ni Pipay.
After ni Chokoleit ay si Coleen Garcia ang sunod na nag-perform, tapos ay si Pops. Pasampa ng stage si Pipay nang sabihin sa kanyang isinugod sa ospital si Chokie.

Pagkatapos ng performance ni Pops ay saka sinabi sa kanya na wala na ang 46-anyos na komedyante. Akala niya ay fake news, until she found out na totoo nga ang balita.

Windang ang lahat ng mga nakasama ni Chokie sa kanyang last and final performance dahil napakabilis ng pangyayari.
Gaya ni Pops ay kasama rin sa nasabing Abra show si Paulo Avelino, na nag-tweet ng, “He (Chokoleit) made sure he finished his show and made everyone happy. A performer, comedian, singer and professional till the end.”

Farewell, friend… Salamat sa lahat ng tuwa at saya na idinulot mo sa aming lahat, MNR (Mahal na Reyna) Jonathan Aguilar Garcia a.k.a. Chokoleit!!!

Billy sabik sa yakap ni Coleen

Luma na ‘yung kumalat na scandal video na sinasabing ang misis ni Billy Crawford na si Coleen Garcia.
Obvious namang lookalike lang ito ni Coleen, kaya kung natanong si Billy tungkol dito ay malamang tinawanan niya lang ito at hindi na pinatulan pa.

Nasa Canada ngayon si Billy para sa concert tour doon ni Anne Curtis kaya miss na raw nitong ka-cuddle ang wifey na si Coleen lalo na sa ganu’n kalamig na weather.

Tapos na last weekend ang Calgary at Vancouver leg ng “AnneKulit” concert na guest si Billy kasama sina Katrina Velarde at Chad Kinis.

Next weekend ay meron pa silang Toronto at Winnipeg, kaya totoo ‘yung chika ni Billy na pagbalik pa lang niya saka siya makakapag-rehearse para sa Araneta concert nila nina James Reid at Sam Concepcion.

Kahit anong pilit ng press ay ayaw sabihin ni Billy kung ano ang pasabog performance nila ni Coleen sa “The CR3W Live in Concert” sa April 5.

Basta ang sey ni Billy, inspired siya to perform with his wife, so abangan na lang kung anong pasabog ang inihanda nilang mag-asawa. Kakaiba raw ito, so kailangan talagang panoorin.

Ayaw magsalita ng 36-anyos na Fil-Am singer-dancer-TV host dahil ayaw niya raw masyadong i-give away ang magaganap sa Big Dome, na silang tatlo raw mismo nina James at Sam ang nag-conceptualize.

Sey ni Billy, excited siya to collaborate with the two and he enjoys being around them because they make him feel young. Bukod sa they respect each other as artists, they share the same passion for music.

Si Sam, bata pa lang ay alam na raw ni Billy ang capacity as a performer and as a musician.
Sobra siyang bilib kay Sam, na para sa kanya ay nasa Top 2 male singers sa Pilipinas si Sam aside from JayR. Pareho sina Billy at James na idol ang 26-anyos na si Sam.

Pagdating kay James ay shocked daw si Billy nang una itong marinig because James has his own identity and “He’s got balls!”

Nirerespeto niya raw ang pagiging passionate ni James about his music and being a record producer and songwriter. May sariling record label si James (Careless Music Manila) at marami raw siyang ­natututunan dito.

Ang girlfie nito na si Nadine Lustre ang guest ni James sa “The CR3W” concert habang ang loveless na si Sam ay ang kaibigang si Yassi Pressman ang guest. Aminado si Sam na inggit siya sa dalawa na parehong may jowa at siya ay wala.