SI Martin Nievera ang official endorser ng Solaire Resort and Casino at dalawang taon ang pinirmahan niyang kontrata sa nasabing hotel.
Masaya ang original Concert King dahil ang isa sa suites ng Solaire ay ipinangalan sa kanya.
https://www.instagram.com/p/BX4cJehn5fw/?hl=en&taken-by=popsfernandez
Ang ilang memorabilia niya ay hiniram sa kanya ng Solaire at inilagay sa Martin Nievera Suite.
Pagpasok sa suite na ‘yon ay may video pa si Martin na wine-welcome ang mga mag-i-stay roon.
Nakakatuwa si Martin na nag-suggest pa sa executives ng Solaire na puwede rin kung minsan na kapag nag-order ng room service ang mga mag-i-stay sa suite na ‘yon ay siya mismo ang magde-deliver.
“Or maybe if they have kids, puwedeng ako ang mag-aalaga muna para they can enjoy all the facilities of Solaire!” sey ni Martin.
At dahil sa ‘Pinas ang Solaire, puwede na sa mga show niya roon ay makapag-“brag” siya tungkol sa ating bansa na walang pipigil sa kanya.
Mahilig sa pagkain si Martin, kaya nalibot na niya ang iba’t ibang restaurants sa Solaire.

“But I really love their room service. I enjoy staying in the rooms of Solaire!” sey ni Martin.
Sa The Theater ng Solaire gagawin ang 35th showbiz anniversary ni Martin sa Disyembre.
Sabi sa amin ni Audie Gemora, ang entertainment director ng Solaire, magge-guest sa anniversary concert ni Martin ang ex-wife na si Pops Fernandez.
“Sabi ko kay Pops, dapat mag-guest siya and she said yes kaagad!” sey ni Audie, na mas nagko-concert na sa Solaire kesa sa pagma-manage ng talents (sa kanya pa rin ang Stages, pero may mga tao na siya na namamahala roon).
***
Sobrang higpit ng marketing department ng TV network na ito, kaya affected ang isang morning show nila.
Kapag nag-guest pala roon, kadalasan ay walang talent fee, pero bawal mag-thank you ang mga celebrity sa kanilang sponsors.
Pati ang ibang kinukuha nilang sponsor para sa mga cake ng ilang celebrity (pati ng hosts nila) na may birthday celebration sa show na ‘yon, hindi rin puwedeng pasalamatan.
Sa inis ng isang madalas mag-sponsor ng cakes sa show nila, hindi na ito pumapayag na magpadala ng libreng cakes, huh!
Ang nakakaloka, pati ang sponsors ng hosts katulad ng derma clinics, kinu-question din ng kanilang marketing department.
Eh, kung magbabayad sa derma clinics ang hosts ng nasabing morning show, aba, mauubos na ang bayad sa kanila.
Hindi sila katulad ng ibang mga celebrity na may TV show na ang tataas ng bayad, huh!
Sila kasi, news and public affair ang producer ng kanilang morning show, kaya hindi ganoon kataas ang mga TF nila, ‘noh?!