Napaghahalata kung sino ang idolo ni Ryan Araña – sa basketball at malamang sa pananamit.

Si LeBron James, walang iba.

Bago ang GlobalPort-Alaska game, dumating ng Smart Araneta Coliseum kahapon si Araña na naka-suit, may bow tie at shorts.

Plantsadong-plantsado, ternong-terno!

Plakado ng Batang Pier guard si LeBron, at ang teammate nito sa Cleveland Cavaliers na si Fil-Am Jordan Clarkson.

May sling na man-purse pang bitbit si Araña, seryoso at taas-noo habang naglalakad. Pagda­ting sa kanilang dugout, nakatawa na siya habang bini-video na naglalakad parang rumarampa sa fashion show.

Sa Instagram, nag-post si Araña ng larawan niya katabi ang mga cropped na pictures din nina LeBron at Clarkson.

“Game day!! You know you’re a @kingjames fan when you dress like him going to the game lol #hatersGonnaHate,” caption ni Araña (@ryanarana).