POWERS NI PDU30 PARALISADO SA BGY. AT SK POLLS

Mapaparalisa ang ilan sa kapangyarihan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kapag natuloy ang barangay at Sangguniang Kabataan (S) elections ngayong Oktubre, ayo­n kay Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.

Sinabi ni Pimentel na kapag umiral ang election ban, hindi makakapagtalaga ng opisyal ng gobyerno si Pangulong Duterte.

Hindi rin, aniya, maisasakatuparan ng Pangulo ang pagtanggal sa mga opisyal ng gobyerno at ang pagsa-shuffle sa mga personnel ng Philippine Nationbal Police (PNP) kasunod ng isinasagawa nitong kampanya laban sa iligal na droga.

“The President cannot appoint officials during the election period. Movement of personnel is also prohibited,” ani Pimentel.

Dahil dito, pinaboran ni Pimentel ang pagpa­patibay ng resolusyon para sa pagpapaliban ng halalan.

Ayaw naman ni Sen. JV Ejercito na muling masuspinde ang SK elections dahil matagal nang walang mga kinatawan ang kabataan sa bansa.

Pero kung ito umano ang wish ni Pangulong Duterte, sinabi ni Ejercito na susuportahan na rin niya ito.

“Ako talaga personally, mas gusto ko sanang matuloy ang halalan dahil nga matagal nang walang representation ang ating mga kabataan. Pero ganunpaman, ang suporta ay nasa President. Alam naman na tayo ay tagasuporta ni President Duterte,” paliwanag ni Ejercito.