‘Powers’ ni Quiboloy ilalaban sa rape case

Mariing pinabulaanan ng kampo ng Kingdom of Jesus Christ ang mga kasong rape, qualified trafficking in person at child abuse na isinampa laban kay Pastor Apollo Quiboloy at binigyang-diin na isang “grand conspiracy” lamang ito para pabagsakin ang kanilang founder.

Humarap sa isang press briefing noong Biyernes si Atty. Israelito Torreon, abogado ni Quiboloy, at sinabing bahagi lang ng isang “grand conspiracy” ang mga kasong isinampa laban sa kanyang kliyente at kanilang ipakikita na walang katotohanan ang mga ito.

“We will show you that this is not true. Because Quiboloy is true to his mission to propagate love, the love for Jesus and we are here to cause the dismissal of the criminal cases filed against him,” ani Torreon.

Naniniwala umano ang kampo ni Quiboloy na may taong nasa likod ng pagsasampa ng kaso ni Blenda Portugal at limang iba pang kapwa akusado nito na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes.

Sa kanyang affidavit, sinabi ni Portugal na nangyari ang rape noong Setyembre 1, 2014 sa loob ng Jose Maria College Compound. Labingpitong taong gulang pa lamang umano siya noon at isa sa mga scho­lar at singer ng simbahan ni Quiboloy.

Paniwala naman ng kampo ni Quiboloy na may ibang tao sa likod ni Portugal dahil sa mahusay na pagkakagawa umano ng affidavit nito.

“It appeared that she is well supported and well financed. We know who they are and we are prepared for them. We will show them that Quiboloy is innocent,” sabi ni Torreon.

“Part of our theory that maybe she planned this a long time ago,” ani Torreon dahil saka lang umano nagsampa ng kaso si Portugal matapos na sampahan ito ng libel case noong Oktubre 22, 2010 at naglabas ng arrest warrant laban sa kanya ang City Pro­secutor ng Panabo City, Davao del Norte. (PNA)