KONTROBERSYAL ngayon si Mark Sablan.
Hindi siya pinsan ni Mark Bautista. Hindi siya tiyo ni Marc Abaya. Lalong hindi sila close ni Mark Anthony Fernandez.
In other words, the WHO si Mark Sablan?
Si Mark ang PR Manager ng GMA Artist Center. May not one, but two tweets kasi si Sablan that some people found offensive lalo na’t it pertains to the Taong Grasa stint that Maine Mendoza miraculously pulled off sa Eat Bulaga.
Ang una niyang tweet, “Aminin mo kuya, na-recognize mo si mainedcm noh? Alam mong may camera noh? #ALDUBKeep us alive.”
Hindi ko sure kung ang magtataho vendor o ‘yung maglulumpiang prito at okoy street seller ang pinagdudahan niyang nahalata agad ang disguise ni Mendoza bilang taong grasa.
At dahil nagsayaw ang Pambansang Bae at Philippine Sweetheart na nanlilimahid ito, ang reaction tweet ni Mark, “Kailangang mag-Downy ni Alden after this!”
For Mark Sablan, he was being pa-cute and pa-witty sa tweets niyang ito.
Ang nangyari, as expected, BOOM SHAKALA-KALA ang bashing against him.
***
Ang handler ni Meng, si Ms. Pat, nag-react din sa paandar ni Mark.
Ang tweet nito, “ Uhmmmm…. may problema ba tayo??? FYI — you just don’t know kung anong hirap pinagdaanan ng tao… ‘di ba pwedeng gusto lang tumulong?”
Sina Richard at Nicomaine daw, they unfollowed na the account ni Sablan.
Ang bonggang-bonggang reaksyon ni Mark Sablan dito, “Yup. It was a joke. A bad one, come to think of it. But what’s worse is how people blew it out of proportion, putting words into my mouth.”
Hindi sapat ang pag-amin na your joke was not in good taste. Dapat siguro, kesa nagmaganda kang “people blew it out of proportion,” kaunting HUMILITY man lang.
Close kayo siguro of the writer na hindi rin nag-isip bago nag-click.
Ang asikasuhin mo na lang, PASIKATIN ang talents ninyo. Alam na alam na under the care of the GMA Artist Center, spaghetting pababa na ang karera ni Alden.
Pasalamat ka dapat sa Eat Bulaga, at sa mga pulis pangkalawakan.
Kasi, the magic that is AlDub happened.
Ang dami ninyong artists na kapag lumilipat sa kabilang istasyon, mas nakikilala at nararamdaman.
Ang present example ay si Jonalyn na Jona na ngayon. Pulos premium shows at shindigs ang kasali siya.
At ang TFC subscribers, kilala na siya.
Subukan mong sina Ken Chan, Kristoffer Martin, Hiro Peralta, Rocco Nacino at Enzo Pineda, and the other starletita girls ninyo who can act like Glaiza de Castro, LJ Reyes, Ryza Cenon, at Chariz Solomon, matapos ang contracts sa inyo, pati na ang option to renew clause at lumipat sa kabilang networks, sure akong mas sisikat sila doon.
Hindi ba kayo nagtataka what are they doing so right kaya ‘yung mga dating inyo eh mas bumongga when they became Kapamilyas?
Nag-showdown na ba kayo sa GMAAC and asked yourselves what you are doing so wrong?
***
‘Yang mga pa-witty and pa-cute mong tweets, eh isa sa mga what you are doing so wrong lalo na’t Maine Mendoza, by virtue of being an APT Talent and in Eat Bulaga ay Kapuso dapat ang pagturing at pagpapahalaga mo.
Kung may panahon kang mag-tweet, dapat may time ka ring hasain at pag-ibayuhin ang Midas Touch mo para after Alden Richards, may next important at major, major star kayo in your stable na nararamdaman mula Batanes hanggang Jolo.
Tumaas ang “value” ni LJ Reyes matapos ang URIAN best actress win niya para sa Anino Sa Likod Ng Buwan, nasaan ang next project?
Niyakap at minahal ng LGBT community si Ken Chan sa Destiny Rose.
Hindi ninyo ginawa ang book two, nasaan ang important follow up part, role or drama?
Parang mas mahal ninyo si Jeric Gonzales na nakadalawang soaps na after Destiny Rose.
Tracing back a little, napansin ang acting prowess ni Kristoffer Martin sa Oros, he even got a local acting award and international recognition.
Ano ang ginawa ninyo sa pagkapanalong ‘yun?
By perpetually pairing him with Joyce Ching and partnering him with Julie Anne San Jose na wala naman silang chemistry?
At present, left and right ang local and international recognitions ni Therese Malvar.
Ang injustice ng ginawa ninyo sa kanya, you made her a support to Inah de Belen sa Oh My Mama.
Kung pinanood mo ang 1-2-3 sa Cinemalaya, dapat alam mong ang dapat maging bida sa isang drama ay sina Malvar at Barbara Miguel.
Your hands are supposedly full, Mark Sablan, to prove our observations wrong.
Kapag sina Mike Tan at Ryza Cenon, napasikat mo… bibilib na kami sa iyo.
At ang bangs ko, hindi na magdadabog.
sobrang agree ako sa inyo mr. ignacio. nakakaawa talaga ang mga talents ng GMAAC, kasi wala sila mapasikat na talents, kahit si jennylyn mercado, sa star cinema pa gumagawa ng movies. sana maisip nila yan at gawan nila ng paraan. by the way lagi ko inaabangan ang colum nyo dito. keep up the good work sir.
HINDI DAHIL ALDUB AKO KAYA KITA PINUPURI MR. ALWIN IGNACIO, ANG GANDA AT TRUE ANG SINABI MO..A VERY GOOD WRITE-UPS NA SANA MABASA NI MIKE ZABLAN AND OTHERS….WHEN YOU WRITE YOU COMMIT YOURSELF TO THE READERS, AND I THINK YOU’RE ONE OF THE RESPONSIBLE WRITER WITH CREDIBILITY…TAMA SI JUDIWORLD..DI MO GINAGAMIT ANG SALITANG “DAW”. SI MIKE Z, SHOULD BE VERY CAREFUL IN HIS TWEETS, TAGA GMA SIYA, NASA GMA ANG EAT BULAGA…PARA NAMAN NIYANG GINAWANG SINUNGALING SI MAINE AT ANG DALAWANG VENDORS…TAPOS THE DAMAGE HAVE DONE TAPOS SASABIHIN NYANG BAD JOKE…ANO YUN MORO-MORO ANG GINAWA NINA MAINE AT NG 2 VENDORS…LOKOHAN.//..KAYA NAGALIT AT NA-BASH SIYA NG ADN….
kung wala si maine, di sisikat si Alden… pero kung di naman nagpacute at feeling crush ni maine si Alden di naman yun mapi pick up ng eat bulaga.. sinakyan lang nila para mabuo ang kalyeserye nila.. and the rest is… basahin ninyo na lang sa pahayagan..
Kung wala din si Alden, asan na ang Maine mo. Pagmamalaki mo nakatapos sya ng Culinary arts? E sya mismo sinasabi nya di sya marunong magluto! May gasolinahan sila? E sinabi din nya na super inip sya dun sa opisina nila kya nagdubsmash nlang sya sa sobrang inip. San si Maine kaya kundi din sya napasikat ni Alden? Ah sa mga bars, at umiinom kasama ng mga boylets nya. Malamang hanggang ngayon lasengga, basher, at rebelde pa din sya sa pamilya nya, kundi lang din kay Alden bka hanggang ngayon tagapaypay nlang sya ni Wally! At lastly, kundi kay Alden malamang tinanggal na din yang Maine mo sa EB dahil accdg kay JF sa yes mag interview nya, di nag click ang role ni Maine sa masa na masungit na tagapaypay ni Wally at buti nlang daw pumayag si Alden na umupo dun kahit katatapos plang mag lunch. Kya wag masyadong mayabang!
si alwin ignacio ang tabloid writer na may sense, and very obvious na matalino. hindi katulad nung iba na namimingwit lang ng article sa social media as in copy paste, voila! may write up na! or yung katulad ni cf na puro “daw” or “ayon kay”, hindi man lang alamin ang totoo or mag verify bago mam bash gamit ang column nya, kalerks!
ha ha ha. bwisit n bwisit kaya ako noon n puro si rhian ramos ang me project s kapupu station n yan. d naman GMA nagpasikat ke alden kundi EB. kundi dahil ke maine malamang nag back 2 school n c alden. c paolo avelino nagkaroon ng star value nung lumipat sa dos, kaya nga lang pag prize possession k ng 7 at lumipat k s 2 parang tinetengga ng 2 like angel locsin at iza calsado
Sakto!the diva that you love!Tama ang Obserbasyon mo,GMAAC need to do something,wala silang bankable stars,maraming talented at magaling umarte pero parang hinahayaan nilang kumupas ang panahon Ng mga ito.That’s the diff.of Star magic at gmaac.Buti,nagka Maine si Alden ,kung wala,Ewan ko ano na ang karera Ni tisoy.Just sayin…at Yan ang totoo…
That’s why I like reading your article sir Alwin Ignacio you’re always right on target, straight to the point in your own words at di nagtatago sa “ayon sa aking source” na trademark ni CF.
Hay naku mr ignacio itigil mo ang walang wentang pralala… Tagal mo nang writer pero same parin ang style mo tirahin ang gmaac… Wala kong paki alam s galit mo kay mr sablan pero sabihing mo nakilala c jonalyn at s tfc hahaha!! Katawa tawa ka… B0b0!! Wala kng pinag iba kay mr. Ferrer panay puri s brand x pero ang totoo mas marmi clng starlets hahaha… Yung mga comment con payo mo walang wenta dahil lahat ng mga sinusulat mo column mo starless parin hahaha… God bless at s muling feedback ko…
Wow! Spot on!