Ipinagtataka ngayo­n ng tanggapan ni Senador Leila de Lima kung bakit hindi na inila­lathala sa official website ng Senado ang kanilang mga press release.

“Wonder not if our press releases and dispatches are no longer posted on the official Senate website in the past few days,” ayon sa viber message ni Ferdie Maglalang, media relation officer (MRO) ni De Lima, sa mga Senate reporter.

“We shall be sending them here (Viber) or to your respective email instead. Our apologies,” dagdag pa nito.

Sabi ni Maglalang, sapul noong Setyembre 13, mahigit 15 PR na umano ang hindi na-upload sa website ng Senado. Wala rin umano silang natanggap ng memo na nagsaad na bawal na silang magpa-upload ng PR sa Senate website.

“No memo. Since September 13, around 15 PRs were not poste­d despite calling their attention,” sabi ni Maglalang.

Aniya, sinabihan umano sila ng Public Relation and Information Bureau (PRIB) na kaila­ngan munang makakuha ng clearance mula sa tanggapan ni Senate Secretary Myra Villari­ca bago ma-post ang kanilang PR sa website.

“We were told that those PRs will have to be cleared first with the Senate Sectary office,” sabi ni Maglalang kasabay ng pagsabing hindi pa nila nakakausap si Villarica tungkol dito. (Dindo Mati­ning)